The Year (2005) That Was !
December 30, 2005
Sobrang bilis ng panahon, parang kahapon simula pa lang ng 2005 tapos bukas simula na naman ng 2006. WOW.
Ano bang nangyari sa akin dis year na worth remembering (kahit na ung nakakakunsimi, ok lang)?
Ma list down nga ang mga pangyayari at mga tao sa buhay ko :
1. I had a cholecystectomy. (sakit nun ha at higit sa lahat eh nag iwan sya ng mahabang mark sa tyan ko. Ang linya ko pa nga sa mga doctors sa emergency room ng Manila Doctors ” Doc, ayoko ko po ng peklat.” For the record, di po ako takot sa pain at sa gastos pero lubos po akong nabothered sa peklat. Pero no choice eh. kailangan so e2 ako ngayon may battlemark ng cholecystectomy)
2. Vacation sa Puerto Galera. (2001 pa ako una at huling pumunta dun, kaya espeysial sa akin ung pagbalik dun. kung ano man ung nangyari dun ay dun na lang un. What happened in Galera, stayed in Galera. Mag komento patay sa akin. To Kathy - let there be peace on earth and let it not begin with me.)
3. PC, Landline & Internet. (after the long wait eh nagkaroon din. Bday gift ko sa sarili maski nagloloko ung PC ko nung una, eh ok na kami ngayon an at peace na kami with each other. Nahuli ko topak nya at nahuli nya topak ko.)
4.Pneumonia / Bronchial Asthma. (simula pa lang ng 2005 eh nagka pneumonia na ako tapos after the operation eh bronchial asthma naman. Ewan ko ba kung taon ko e2 ng sakit at lahat yata ng pinaggagagawa ko dati sa katawan ko eh sinisingil na ako. “Wag kng maligo sa madaling araw”, Wag kang laging nakahubad”, “Wag kang laging nakayapak” at “Wag kang papatuyo ng pawis sa likod”. Obviously makulit talaga ako at super na nababy sa family ko)
5. Ang Pinoy Housemate Ko. (Ate Vi. Alam nya topak ko at mga kalokohan ko sa buhay pero bilib ako sa taong ito kc alam nya kung ano ang tunay na meaning ng respeto. Saludo ako sa u. Mag diet ka lang ha.)
6. Office Friends for Keeps. (Darling, Sam, AJ, Kathy and Ken. Actually di lang sila pang office, pang sports pa hehehehehehehehehe. Sila ung mga taong u wouldn’t mind spending your days with and feels that everything is and will always be ok. Ayan naiiyak na ako. Lu lu lu lu lu lu lu (sa tono ng Lovingly Yours) pero alang biro sila ung in gimik time, no money time, break time, lunch time, chat time, kwentuhan time, problem time at lahat ng klaseng time eh maaasahan mo basta sabihin mo lang sa kanila na “Lets break ourselves”, “Are u lunching yourselves?” “R u going down to eat? and Who r u eating?” FYI. ala po akong namissed out na name, kumpleto na po yan.)
7. Kids Stuff (Datu, Jared, Ara, Macmac, Andre, Nathan, Katya, Kenneth, Jam, Allyssa and JM. Sila ung mga kids na love na love ko at anak silang lahat ng mga friends ko. Every little one of them touched my heart and my life. They made me realized how simple life is and how should i be thankful and appreciative of how good life is to me. Syempre sila rin ang kakulitan ko, little kid by heart nga kasi ako so i get along very very well with them. Kahit ung mga toys ko na iniingatan ko eh pwede nilang paglaruan basta bawal uwi except si Datu, lakas sa akin yan eh.)
8. Kilala Mo Kung Sino Ka (Salamat po kulit sa happy memories. Goodluck at alam ko kayang kaya mong gawin lahat na gugustuhin mo coz time and trials made u tougher and stronger to face everything head on. Musta mo na lang ako kay Mama pag nakapunta ka na sa Japan ha. Pa autograph ako pag naglaunch ka na ng poetry book mo or ung CD mo ha. Ingat palagi. Iwasan ang sungit.)
9. Mga Anak Ko (Yayay, JR, Ian, Boboy, Justin & Raintot. My world will stop if these kids needs me at alam nila yon kaya nga kay Kuya Bong ang takbo lagi eh and I dont mind kc mga baby ko yan. Touched nga ako recently kc si Raintot is constantly pestering si Yayay just to talk to me sa cellfone, sosing kid di ba? Sila ung isa sa mga reason y i have always been grateful with life at sila ung constantly and consistently nagpapasaya sa akin rain or shine.)
10. _____________________ (Blanko kc … basta malalaman nyo na lang sa mga susunod kong postings)
11. One Who Knows Me Best (Araceli M. Cruz. Patay ako dito papagalitan na naman ako kc buong pangalan pa eh. Sya ang nag iisang babae sa buhay ko. Teka bago mag isip ng masama, bespren ko yan. Peace tayo, Jayson ha. He he he he he. Ung pag uwi nya sa Pinas nung September 2005 is one of the best things that happened dis year. After 2 years na puro emails, chat, chikka, text and long distance calls na bihira pa eh finally nakapag usap ulit kami ng face to face. Nakaikot uli sa Glorietta & Greenbelt at nakapagbigay ng kanya kanyang pananaw ukol sa mga buhay namin at mga nagdaraanan. Pero sya lamang ang nakakaalam ng tunay na makakapagpaligaya sa akin, size 9 na dark brown or ung black silver square shaped na may leather bracelet na Kenneth Cole watch.
12. Mga Nag Iispoiled Sa Akin (Tatay, Nanay & Ate Lai. Ala na akong ibang mahihiling pa sa buhay ko dahil sila na ang best family for me. No more no less. We have been through a lot of trying times, pero mas lalo kaming nagiging close at makulit sa isa’t isa. If I will be reborn again and will be given a chance to choose my family, alang pag aalinlangan na sila ang pipiliin ko at ala na akong pipiliin pang iba. I am always and will foreever be their BABY. I love u Tatay. I love u Nanay. I love u Ate Lai. Mwah. Mwah. Mwah.)
Sa lahat ng nabanggit ko sa taas, bagay man, pangyayari or mga tao, lubos akong nagpapasalamat sa inyo coz u made me the person I am now and u made my 2005 extra special. Forgive me if there times I failed u in anyways (tao lang po, seryoso yon ha). I appreciate and will treasure all the lessons that u have thought me maski di nyo sinasadya.
A better yet for all of us and higit sa lahat…
WORLD PEACE ( Dalawang kamay sa kaliwang baywang).
Thank U.
Entry Filed under: Uncategorized. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed